・┆✦ʚ♡ KID ♡ɞ✦ ┆・'s profile picture

Published by

published
updated

Category: Blogging

I FEEL STUPID [FIL]

Bago yung story, context muna.

Member ako ng isang malaking community. At yung community na yun ay may kanya kanyang circle.

At ang circle na yon ay meron pa ulit mas solid at smaller na circle.

Part ako ng isang solid at smaller na circle na yon at sobrang ingay namin lagi sa gc. Tambakan ng memes, jokes, tawanan, at minsan seryosong usapan.

Kapag may nagsend ng selfie, magsesend lahat. Kapag may nagjoke, susundan pa ng isa pang joke. Kapag may galaan, doon kami naguusap usap. 

May times na kapag gigising ka nasa 999 messages na yung messages sa gc. Sobrang saya. Sure akong nagkaroon din kayong ganung type ng gc kahit papano.

---

So eto na nga...

Dumating yung araw na nararamdaman ko nang tumutumal yung gc. Halos laman nalang is good morning at good night.

Spoiler alert, merong sariling gc yung iba sa loob ng gc. Pero nung time na yon hindi ako aware at iniisip ko lang busy sa lahat.

Di ako naging suspicious kahit konte.

Merong sang member ng gc nagchat na "Ano oras kayo punta?".

So ako biglang sumaya yung puso ko kasi may gala kami at makikita ko ulit sila.

Nagreadback ako kasi baka natabunan lang yung usapan kung anong plano, pero wala akong nakita.

At that time wala parin akong idea na meron silang lakad nang sarili. Ang nasaisip ko lang gusto ko na ulit sila makita kasi matagal na kaming walang gala magkakaibigan. Sobrang excited ako.

So tinanong ko kung saan punta, sumagot naman yung kaibigan ko na "Punta kami North tara Kid!"

Tapos reply ako ng "TARAAAAAAA!!!!!!" hahahahaha excited nga kase hahahaha

Pinagusapan na din namin kung saan magkikita at kung anong oras.

Magkita daw kami sa isang 7eleven malapit sa isang MRT Station 7pm.

5pm na non kaya naligo na ko agad. Nagsuot ng maangas na damit kasi first time ulit kami mga magkikita after ng mahabang panahon.

Pumara ako ng jeep papunta sa pinaka malapit na MRT Station. Pagsakay ko tumutugtog yung "Panaginip" by CrazyAsPinoy which is jam ko talaga. Napapa kanta at rap pa ko. Sobrang good mood ko. Nasundan pa ng iba pang lumang rap/kanta na kinalakihan ko dati.

Pagkababa ko, naglakad pa ako ng konte papuntang MRT Station. Pumila ng napakahaba at nakisiksik.

Nung nakasakay na ko halos di ako makahinga sa dami ng tao pero sobrang positive parin ng mood ko. Gusto ko na talaga sila makita.

Tahimik lang sa loob ng mrt nung biglang tumunog yung phone ko. May tumatawag.

Di ko nasagot kasi siksikan at wala akong earphones. Binaba ko nalang ulet tas nagreply nalang na "nasa mrt pa ko wait".

Nagreply sya "kid :("

Tas huminto na yung MRT sa bababaan ko. Di na ko nakareply. Binilisan ko nalang lakad ko para dun nalang kami sa 7eleven magusap.

Pagdating ko sa 7eleven, nandun na yung kaibigan ko kasama yung dalawa pa naming kaibigan na nasa loob ng solid small circle namin.

Sad face silang tatlo tas tinanong ko kung bakit.

"Di ka daw pala invited Kid, nasabi lang sakin ni (isa pang friend)."

Super cool friend din namin sya pero hindi kasama sa solid small circle na yon. Sya yung host nung gala namin/nila and for some reason, ayaw nya akong kasama.

Iniisip ko baka sa bahay sila at baka wala nang space or something. Or baka manlilibre sya sa bar tas konti lang invited.

Nalaman ko full house palang nandun mga nasa gc namin tas ako lang hindi kasama.

"Sorry Kid."

Ayun lang narinig ko tas parang nablangko na ko.

Di ako nakapagsalita non. Bumagsak yung balikat ko tas para akong maiiyak.

Nag straight up agad ako para di obvious na nalungkot ako. Tinry ko best ko para hindi maiyak pero talagang bumulwak yung palabok sa loob ng pantalon ko.

Yung lungkot ko napalitan ng kaba. Nanlamig ako at pinawisan. Gumagapang yung anxiety sa katawan ko. Nanginginig ako pero sinusubukan ko huminga at mag act ng normal.

Lumalabas na sa binti ng pantalon ko yung palabok pero pinilit kong itago. Di ako makalakad.

Niyakap ako ng mga kaibigan ko tas isa sa kanila nakapa yung bumbum ko at medyo nakaumbok. Para syang nagtaka tas umatras sya saglit.

Nakita nya yung mga sauce sa sahig tas napa- "Uy ano ba yan Kid!?"

Tapos nagbitawan din yung dalawa tas umatras.

Parang naasar yung itsura nila kasi namantyahan yung mga sapatos nila.

Nagpaalam na silang aalis tas parang medyo off na yung vibes.

Nung pagkaalis nila, humingi ako sa cashier ng plastic fork para sa palabok.

Simula non, isang malaking tanga na tingin ko sa sarili ko.


The End.


2 Kudos

Comments

Displaying 1 of 1 comments ( View all | Add Comment )

v.4nna_peti

v.4nna_peti's profile picture

Nalungkot at paiyak na ako eh haha nabasa ko nanaman yung palab0k... xD


Report Comment



sorry to hear that... hwag na zna maul3t ;<<<<<<<<<<<<<<<<

by v.4nna_peti; ; Report