POETRY POST [FIL]

"TAPOS NA" by KID


"TAPOS NA PO!! TAPOS NA PO!!"

Muli kong sinigaw...

"MAMA TAPOS NA!!"

Siguradong ubos na
ang dumi kong pururot
Tinatawag ko si mama
pero walang sumasagot

"PAPA TAPOS NA!!"

Di ako marunong maghugas
dahil ako ay bata pa
Tinawag ko na din si papa
ako ay ngalay na

"KUYA TAPOS NA!!"

ang baho sa banyo
nakakasulasok
wala ata si kuya
sa iskwelahan pumasok

"ATE TAPOS NA!!"

Ako ay ngalay na
ngatog na ang balakang
baka naka earphone si ate
kaya hindi nakaramdam 

"TAPOS NA PO!! TAPOS NA PO AKONG TUMAE!!"

Parang may natuyong semento
sa pwet nakadikit
ako ay inip na
kaya tumawag ulit...

"TAPOS NA KONG TUMAE!! ANO BA?!"

Katahimikan sa paligid
biglang nakaramdam
Nasan na ang lahat?
Wala akong alam...

"TAPOS!! NA!! AKONG!! TUMAE!!"

Pumapatak ang pawis
ang mata ay namugto
nabwisit, nainis,
kaya napilitang tumayo

Lumapit sa batya
kinuha ang pansalok
Pag kapa sa puwit
may lumabas na palabok.

Bow.


2 Kudos

Comments

Displaying 1 of 1 comments ( View all | Add Comment )

v.4nna_peti

v.4nna_peti's profile picture

aq na maghuhugas peram n rin ng pupu mo :< anywayy nc one pi


Report Comment



``cgue ba bsta tirhan muh acohh?????

by ・┆✦ʚ♡ KID ♡ɞ✦ ┆・; ; Report