PANGINIP #2 [FIL]

7 years old ako nun, alas sais ng hapon, ako lang magisa sa bahay sa Pasig. Nagbabantay sa tindahan si tatay, at si nanay at yung dalawa kong kapatid nasa Zambales.

Magisa akong naglalaro ng Sims 2 nun nang marinig ko yung tunog ng kutsara at pinggan na parang may naghahain na. Pati yung urong ng upuan rinig ko. Bumaba ako kasi akala ko kakain na. Pag baba ko walang tao. Patay yung ilaw.

Nagtaka ako kung ano yung tumunog. Umakyat ulit ako at bumalik sa paglalaro. Bigla kong narinig boses ni nanay na parang dumating na pati yung tunog ng spring ng pintuan namin narinig ko. Bumaba ako tas akala ko nandun na sila. Wala paring tao.

Naisip ko gutom lang siguro ako. Tumingin ako sa ref ng makakain pero wala na ulam na pwedeng initin.

Pumunta ako sa tindahan. Sarado tindahan tas wala din si tatay.

Tas saka ko napansin nakasarado lahat ng bintana sa compound namin. Walang katao-tao. Sobrang tahimik.

Sumilip ako sa labas ng gate tas itim lang nakikita ko. Parang brown-out maliban sa ilaw ng garahe namin at ilaw ng loob ng bahay. Walang tao, walang mga sasakyan na dumadaan o kahit naka naka-park, wala lahat. Wala lahat.

Bigla akong nakarinig ng tunog g tv pero malabo ung tunog. Sinundan ko yung tunog.

Nanggagaling sa bahay nila ninong Toto. Kumatok ako. May narinig akong kaluskos tapos biglang namatay yung tunog ng tv. Sinubukan kong buksan yung pinto at bukas sya.

Parang instinct ko lang na buksan yung ref incase na may pagkain.

Pagbukas ko sumabog yung palabok sa muka ko. Shempre nagulat ako. Kahit papano naginhawaan ako. Nalasahan ko yung palabok sa labi ko. Bumukas bigla yung ilaw at sumigaw silang lahat ng happy birthday! Naisip ko hindi ko naman birthday.

Bigla akong nagising. Panaginip lang pala. 


0 Kudos

Comments

Displaying 1 of 1 comments ( View all | Add Comment )

v.4nna_peti

v.4nna_peti's profile picture

palab0k iz 3verywherreeeeee!!!! xD


Report Comment



~tenkkzzz.... XDDD

by ・┆✦ʚ♡ KID ♡ɞ✦ ┆・; ; Report