PANGINIP #1 [FIL]

Di pwedeng di ko ipost to bago ko makalimutan detalye.mNanaginip ako nakasakay ako sa jeep tas may humahabol na pamilya ng badjao na gusto sumabit. Tas pamilya sila pero walang lalake. Wala yung tatay. Isang adult na may bitbit na malaking bag na may umaapaw na damit, teenager na bajao na buntis, tatlong bata na 5 to 10 years old na malnourished. Yung isa sa maliliit na badjao may hawak na sanggol na binalutan ng tuwalya pero humahabol padin sila.

Yung dalawang maliit na bata nakasabit na tas kinakalampag yung jeep na huminto. Pinapahinto nila habang humahabol yung may bitbit na baby. Pinapahinto na ng ibang pasahero yung jeep pero harurot padin yung driver. Kesyo wala naman daw pambayad yung mga yun. Sabi ko "Nong may baby po silang hawak." Sumagot yung driver "Ulul anong baby?" Sabay nadapa yung may hawak ng binalot na tuwalya kala kong baby. Akala ko madadaganan nya yung sanggol, santo pala yun. Santo pala yung laman ng tuwalya.Tas sabi nung isang pasahero babayaran nya na daw yung mga bajao. Naisip ko ang bait naman nun. Pag tingin ko sa pasaherong yun laking gulat ko si Beyonce pala yun.

So huminto yung driver tas pinasakay yung mga bajao. Binigyan yung mga bajao ng tigiisang iPhone. Sabi ko sana pagkain nalang binigay tas akin nlang iPhone. Binigyan din ako ni Beyonce ng iPhone tas ngumiti sya sakin. Para syang anghel sa lupa.

So nakarating sa paroroonan yung mga bajao. Bilang pasasalamat daw binigay nila yung santo kay Beyonce tas umalis na sila. Sabi ni Beyonce di daw sya fan ng mga santo kaya sakin nalang daw. Sabi ko di din ako mahilig sa santo pero sayang naman kung itatapon. Habang tinititigan ko yung santo mas nakakatakot yung itsura ng santo. Pagkagising ko natae ako ng palabok nagkalat sa kama. Napagalitan ako ng Lola ko. Pina laundry ko nalang yung pang cover at punda tapos yung mattress binilad ko sa araw.

The End.


0 Kudos

Comments

Displaying 0 of 0 comments ( View all | Add Comment )