ilaw na ligaw
sumisilip sa mga sulok ng isip
mga kandilang nabura sa alaala
nagbabalatkayo bilang pulbos sa gulugod
nalulubog ako sa itim
ngunit may hibla ng araw na kumakapit
hindi malaki, hindi matapang
sapat lang para manghimasok ang puso
tibay ko ay lupa at dugo
hinahabi mula sa abo ng mga pangako
bawat paghinga'y maliit na himagsikan
bawat hakbang ay pag-ani ng liwanag
- lee alitaptap
Comments
Displaying 0 of 0 comments ( View all | Add Comment )