ALEXBRATTY 💚's profile picture

Published by

published
updated

Category: Friends

"Nagkainitan Kami ni Jazper Dahil Lang sa Kuwento Kong Walang Palintulot na Kinuwa Kong Wallet sa Kapatid Ko"

Hi, spacehey May nangyaring hindi inaasahan na nagdulot ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ko at ng bestfriend ko, si Jazper.

Kwento ko lang, isang araw, nagkataon na naiwan ng kapatid ko ang wallet niya sa ibabaw ng lamesa. Habang naglalakad ako, nahulog yung wallet at sa sobrang bilis ko, inisip ko na baka mawala ito. So, kinuwa ko na lang siya at inilagay ko sa safe place, hindi ko na tinanong si ate kung kailangan niya pa ba ito. Di ko naman siya ninakaw, pero may pagkukulang nga sa komunikasyon. Nang ikwento ko kay Jazper, naging issue ito. Sabi niya, mali raw na kinuha ko yun nang walang permiso. Ako naman, iniisip ko lang na hindi ko naman sinadyang masira ang tiwala ng kapatid ko. Pero siya, parang ibang perspective ang nakita. Nagkainitan kami, at hindi na kami magkaintindihan. Hindi ko na alam kung paano ayusin ang sitwasyon na 'to. Gusto ko sana linawin kay Jazper na hindi ko intention na magkamali, pero di ko alam kung tama ba ako o siya.



0 Kudos

Comments

Displaying 0 of 0 comments ( View all | Add Comment )