Minsan gusto ko lang humiga buong araw, magpahinga, at kalimutan lahat ng deadlines. Pero ayun, biglang papasok sa isip ko yung mga kailangan ipasa mga projects, exams, at kung anu-ano pang requirements. Di ko na kaya minsan.
Eto siguro yung sinasabi nilang “Piliin mo yung course na gusto mo”, pero paano kung yung gusto mo, hindi gusto ng iba? Ang dami talagang nag-e-expect na piliin mo yung mga may board exam, yung tipong "siguradong may trabaho" daw.
TOTGA course ko talaga ang Fine Arts o Multi-Media Arts. Minsan naiisip ko, "Paano kaya kung yun yung pinili ko?" Pero andito na tayo, kaya tuloy lang. Hays tangina.
Comments
Displaying 0 of 0 comments ( View all | Add Comment )