Isang patuloy na serye ng mga pelikula na puno ng mga kababalaghan, demonyo, at eksorsismo ang The Conjuring. Ngunit sa ilalim ng lahat ng supernatural na kakila-kilabot, may mas tahimik at makataong kuwento tungkol sa pamilyang Warren. Ipinapakita ng serye ang buhay nina Ed at Lorraine bilang mga paranormal investigator at magulang, na itinatampok ang kanilang mga pakikibaka sa pagharap sa nakakakilabot na di-kilalang mundo habang ginagampanan ang pantay na mahirap na tungkulin bilang mga magulang sa kanilang anak na si Judy. Alam natin na mahal nina Ed at Lorraine ang kanilang anak. Palagi nilang ipinapakita ang kanilang pag-aalala para sa kaniyang kaligtasan at kapakanan, kahit na nasa gitna sila ng mga delikado na sitwasyon. Ginagawa nila ang kanilang trabaho dahil naudyukan sila ng paniniwalang ginagawa nilang mas ligtas na lugar ang mundo para sa kanilang anak. Pinipilit din nilang ilayo si Judy sa anumang koneksyon sa supernatural, gaya ng paglalagay ng mga isinumpang bagay sa isang artifact room upang matiyak na hindi ito makakapinsala sa kaniya o sa ibang tao. Gayunpaman, kahit gaano sila kaingat, hindi maiiwasang pagdulot ng panganit kay Judy ang kanilang trabaho. Isang palagiang paalala na literal na nasa loob ng kanilang tahanan ang panganib ang kanilang artifact room. Mula sa murang edad, nalantad na sa mga supernatural si Judy Warren. Hindi karaniwan ang kaniyang pagkabata, na ginamit bilang isang silid ng imbakan ang kaniyang bahay para sa mga bagay na maaaring makapinsala sa kaniya. Sa buong serye, madalas siyang maapektuhan ng mga demonyong kinakaharap ng kaniyang magulang kahit na milya-milya ang layo niya at diumano’y nasa kaligtasan ng kanilang tahanan, gaya ng sa The Conjuring 2. Sa pelikulang Annabelle Comes Home, naging sentro ng kuwento ang kahinaan ni Judy nang magising si Annabelle at magdulot ng kaguluhan. Pinatibay nito ang katotohanan na kahit anong gawin nina Ed at Lorraine upang protektahan siya, hindi maiiwasang makapasok sa buhay ni Judy ang kanilang trabaho, lalo na dahil minana niya ang espesyal na kakayahan ng kaniyang ina, na ginagawa siyang target para sa mga puwersang hindi nila kontrolado. Sumasalamin ang mga karanasan ni Judy sa emosyonal na epekto ng trabaho ng kaniyang mga magulang. Habang sinisikap nina Ed at Lorraine na balensahin ang kanilang trabaho at responsibilidad bilang magulang, madalas na nahaharap si Judy sa mga kakaibang hamon na dala sa kaniyang pagpapalaki. Hindi lamang siya palaging nasa ilalim ng banta ng panganib, kundi naging dahilan ang kaniyang pakikisalamuha sa supernatural upang maramdamaan niyang naiiba siya sa kaniyang mga kapwa. Gayunpaman, sa kabila ng mga pagsusubok, ipinapakita ni Judy ang kahanga-hangang katatagan, malamang na naimpluwensyahan ng lakas at tapang ng kaniyang mga magulang, Bagamat maaaring hindi niya palaging nauunawaan ang kanilang mga desisyon, malinaw na nararamdaman ang kanilang pagmamahal. Sa huli, ang kuwento ang pamilyang Warren at isang kuwento ng katatagan sa harap ng matinding pagsusubok. Kahit na hindi perpektong magulang sina Ed at Lorraine, nakaugat ang kanilang mga hangarin sa layuning protektahan ang kanilang anak at ang mundo mula sa kapahamakan. Sa pamamagitan ng mga mata ni Judy, makikita natin ang isang kuwento ng tapang at pagtitiis na humihigit sa supernatural. Ipinapaalala sa atin ng mga Warren na kahit gaano kadilim ang mundo, kayang magbigay liwanag sa dilim ang mga buklod ng isang pamilya.Liwanag sa Kadiliman
˚₊‧ ʚ {¬ºཀ°}¬ ɞ ‧₊˚
Mga Sanggunian X-D
Wan, J. (Director, Producer, Writer). (2016). The Conjuring 2. New Line Cinema; The Safran Company; Atomic Monster.
Dauberman, G. (Director, Writer). (2019). Annabelle Comes Home. New Line Cinema; The Safran Company; Atomic Monster; Rat Pac Enterprises, Inc.
Comments
Displaying 0 of 0 comments ( View all | Add Comment )