I Am Not Okay With This at Kalusugang Pangkaisipan
Tungkol sa isang dalaga na nahihirapan sa maraming bagay sumusunod sa pagkawala ng kaniyang ama ang palabas na I Am Not Okay With This. Tinatalakay nito ang ilang suliranin gaya ng sekswalidad, pang-aabuso, at kalusugang pangkaisipan sa loob ng pitong dalawampung minutong yugto. Sa blog na ito, pagtutuunan ko ng pansin kung paano nito tinatalakay ang kalusugang pangkaisipan.
Nagsisikay makayanan ni Sydney Novak, ang labing pitong taong gulang na pangunahing tauhan, ang pagkawala ng kaniyang ama dahil sa pagpapakamatay. Sa kabila ng panahon na lumipas mula noong kaganapan, humahantong sa kaniyang paghampas at pagdulot ng mga kaguluhan sa paaralan ang kaniyang pakikibaka sa kalungkutan at kawalan ng pagsasara. Upang matulungan siya sa pagkontrol ng kaniyang mga emosyon, pinayuhan siya ng kaniyang tagapayo ng paaralan na magsimulang magsulat sa isang talaarawan. Sa pamamagitan ng kaniyang mga tala sa talaarawan, nalalaman ng mga manonood ang tungkol sa kaniyang masalimuot na damdamin para sa kaniyang matalik na kaibigang may kasintahan na, ang maigting niyang relasyon sa kaniyang ina, at ang kaniyang hindi nalutas na sakit mula sa pagkamatay ng kaniyang ama, kung saan wala itong iniwan ni isang tala o paliwanag. May iba pang mga dahilan, ngunit ito ang mga pangunahing suliranin na naging sanhi ng kaniyang mapanirang kapangyarihang saykiko na magpakita. Sa buong takbo ng palabas, napagtatagpi-tagpi ng mga manonood na nabubunsod ang kapangyarihan niya sa kaniyang mga matinding negatibong emosyon, na nag-iiwan ng pagkawasak. Kinumpirma ito sa ika-apat na episodyo.
“It almost always comes out when I’m angry. Or embarrassed. Or—- or scared.”
("Stan by Me" 00:18:15-00:18:23)
Hindi kailanman ito sinabi sa palabas, ngunit may maraming banayad na palatandaan na tumutukoy sa "kapangyarihan" bilang isang metapora para sa pakikipaglaban ni Sydney sa depresiyon. Kabilang sa mga sintomas ng depresyon ang pakiramdam ng pagkamayamutin, patulog na mababang panagano, at kawalan ng pag-asa, na madalas nating nakikita na nararanasan ni Sydney. Madalas na nabubonsod ang kaniyang "kapangyarihan" sa mga sandaling nagdudulot sa kaniya ng matinding pagkabalisa at stress, tulad ng pakiramdan ng paghihiwalay noong ulang lumitaw ang kaniyang mapanirang kapangyarihan, mga alaala ng kaniyang matalik na kaibigan at kaniyang kasintahan, mga pagtatalo sa kaniyang ina, at ang takot na hindi niya maiintindihan ang nangyarari sa kaniya. Nagiging mas kontrolado lamang ang kaniyang "kapangyarihan" kapag naaalala niya ang mas maligayang panahon, gaya ng maliliit na sandali ng pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapatid. May mga sandali sa palabas kung saan tila bumubuti ang kalagayan ni Sydney, ngunit sa bawat pagkakataon, bumabalik siya sa mga mapanirang ugali.
Sa bandang huli sa serye, nagsimulang makakita si Sydney ng mga taong wala roon at nakikipagpunyagi sa paranoya, pakiramdam na may patuloy na nanonood sa kaniya. Isa rin itong metapora, isang pisikal na paalala ng pagkamatay ng kaniyang ama at ng kaniyang matagal na kawalan ng pagsasara. Siniyasat ito sa ika-anim na episodyo, "Like Father, Like Daughter," habang tinatalakay ni Sydney ang kaniyang mga guni-guni kasama ang kaniyang tagapayo sa paaralan.
"I thought I saw my grandmother for months after she passed. On the street, in the next room, sitting beside me. ... They're called grief hallucinations, and they can be real wack-a-doo."
"What does that... mean?"
"It most likely means that you're still grieving, and that you need something from him."
"Like.. what?"
"Closure"
("Like Father, Like Daughter" 00:07:45-00:08:19)
Nang maglaon sa parehong episodyo, nagbukas ang ina ni Sydney sa kaniya at ibinuyag niya na nagdusa ang ama niya mula sa post-traumatic stress disorder (PSTD) matapos maglingkod sa U.S. Marines, at labis siyang naapektuhan ng depresyon na sumalot sa kaniya sa natirang bahagi ng kaniyang buhay, na humantong sa kaniyang pagpapakamatay.
"He had something in him, Syd. Something that he was always wrestling with... and... that thing won."
("Like Father, Like Daughter" 00:15:25-00:15:37)
Binabago nito ang sariling paglalakbay ni Sydney habang binabalangkas ang kaniyang kuwento sa loob ng kaniyang ama. Ipinapakita ng pananaliksik na humigit-kumulang 40-50% ang antas ng pagmamana para sa matinding depresyon, na sumusuporta sa ideya na sumasalamin ang kaniyang karanasan sa panloob na labanan ng kaniyang ama (Levinson & Nichols, 2021).
Bilang pagtatapos, inilalarawan ng I Am Not Okay With This ang isang dalaga na nakikipagbuno sa hilaw na epekto ng kalungkutan, trawmatiko, at mga isyu sa kalusugang pangkaisipan. Sa pamamagitan ng mga personal na karanasan ni Sydney, itinatampok ng palabas ang mahirap, at kadalasang nagbubukod, na paglalakbay ng pag-aaral upang iproseso ang labis, kung mapanira minsan, na mga emosyon. Pinapaalala rin nito sa atin na hindi linear na proseso ang pagpapagaling; maaaring mabagal ang pag-unlad, at natural na bahagi ng paglalakbay ang mga pagbabalik. Binubuhay ng mga supernatural na elemento ang kaniyang panloob na kaguluhan, na tumutulong sa mga manonood na mailarawan kung gaano kalaki ang depresyon at hindi nareresolbang kalungkutan. Binibigyang-diin ng pamagat na natural na hindi maging okay sa lahat ng dulot ng buhay. Binibigyang-diin ng palabas ang kahalagahan ng pag-unawa at pagtanggap ng mga pakikibaka sa kalusugan ng isip, na nagpapaalala sa mga manonood na karaniwang bahagi ang mga damdaming ito sa pagiging tao at hindi sila nag-iisa.
˚₊‧ ʚ {¬ºཀ°}¬ ɞ ‧₊˚
Mga Sanggunian O.o
Entwistle, J., Hall, C., Levy, S., Levine, D., Cohen, D., Barry, J. (Executive Producers). (2020) I Am Not Okay With This [TV series]. 21 Laps Entertainment.
Hue, A. (2020, March 31). “I Am Not Okay With This” tackles mental health and the supernatural. The Stanford Daily. https://stanforddaily.com/2020/03/30/i-am-not-okay-with-this-tackles-mental-health-and-the-supernatural/
Levinson, D., & Nichols, W. (2021). Major Depression and Genetics. Genetics of Brain Function; Stanford medicine. https://med.stanford.edu/depressiongenetics/mddandgenes.html
Comments
Displaying 1 of 1 comments ( View all | Add Comment )
🍥
Q2** TToTT xori maam XC
Report Comment