joooooooooor's profile picture

Published by

published
updated

Category: Writing and Poetry

TAKOT

Boses na hindi narinig

Mata na ayaw tumitig

Kamay na ayaw humawak

Paa na ayaw umapak

 

Damdamin na hindi naipahayag

Kailangan ng alak na nakalatag

Takot ay sadyang hadlang

Parang pader na nakaharang

 

Balat na takot sa araw

Antok na ayaw dumalaw

Konseptong hindi natuklasan

Sakit na ayaw maramdaman

 

Tainga na walang butas

Problemang hindi nalutas

Dito ka sa isang sulok

Nag-bibilang ng mag tuldok

 

Relo na ayaw mabasa

Puso na ayaw umasa

Dila na walang panlasa

Talento na hindi humasa

 

Sasakyan na hindi umatras

Bisikleta na walang pang angkas

Dito ka’t nagmumukmok

Isip mo’y nabubulok

 

Takot ang sayang bumabalot

Panghihinayang ang iyong naidulot

Takot ay katumbas ng lungkot

Mundo mo’y tumigil na sa pag- ikot


0 Kudos

Comments

Displaying 0 of 0 comments ( View all | Add Comment )