cinatas's profile picture

Published by

published

Category: Blogging

Dilim, ah, ng sarili

Isusuka ko na ang sarili ko ngayong umaga. Masyado nang maalat ang sariling lasa, nakakasugat na ng dila. Hindi ko na nagugustuhan ang lunok na, "puwede na ito," "okay na ito," "gawin ko na lang mamaya." Paulit-ulit na lang. Naiinis sa sarili, tapos papatawarin ulit. Dismayado na ang sariling kaluluwa sa kaluluwa. Pinupurga ko na ang hindi nakakatakam na kaisipang meron ang katawang mayroon ako. Nakakasuklam na pananaw, at isisisi ulit sa traumang naranasan. Wala ka nang improvement, nak. Hindi mo na rin nakikilala sa daan ang progresong dapat kasama sa lakbay. Tinatawanan ka ng nakaraang iyo, kilala ka niya pero parang hindi na. Alam niya noong, tutungo ka d'yan, ngunit 'di makapaniwalang hinayaan mo nga. Sobrang layo ng narating mo sa pangarap mo, ngunit 'di mo s'ya nahigitan; lumayo ka lang. Maaga pa naman para ibaon sa galit ang sarili, bata ka pa naman. Ngunit 'di ka na bumabata, napapagod kang patawarin ka, ngunit hihingi ka nanaman ng palugid? Hanggang kailan ka magpapa-awa? Lubha na ang karamdaman mong minemendahan ngunit hinahayaan mo lang. Patatawarin ka ulit ng iyong sarili, hindi pa naman ubos ang pasensya kasi naiintindihan ka niya; at iintindihin ka niya.


0 Kudos

Comments

Displaying 1 of 1 comments ( View all | Add Comment )

cinatas

cinatas's profile picture

Sarap na sarap akong kausapin ang sarili. Marami kasing 'di kaya sabihin sa iba ngunit gustong pag-usapan at may makinig. Para bang baliw pero nakakatuwa. Siguro 'yong tuwang 'to, hindi makukuha sa iba sa twuing kausap ko sila. Mas masarap, ramdam kong safe ako.


Report Comment