Ikaw


Sa lahat ng aking ginagawa
at sa pagod na aking nakukuha
isang ngiti mo lang at lahat iyon ay parang wala na
Oh aking giliw parang awa mo na

Sa bawat ngiti at bawat tingin mo parang akoy nawawalan ng hinga
di mapigil ang aking paghanga
di napapansin lahat ng katabi titig koy saiyo lang nakatingin
Irog di pa pwede na ako'y iyong hilingin

Ako pa ba ay kaya mong mahalin?
kaya pa ba kitang hintayin?
aking liyag hangaang saan ba ito?
ako'y hanggang saan ba sayo?

Ibibigay ko naman sayo lahat ng iyong gusto
Pero lahat ito sayo ay parang wala lang apekto
Hindi ba ako sapat saiyo aking mahal?
Tayo ba talaga ay tatagal?

Aking sinta, Ako pa ba talaga ang iyong mahal?
ako lang ba talaga ang iniisip mo?
Ako parin ba ay kasama sa iyong mga dasal?
Ako pa rin ba sayo?


0 Kudos

Comments

Displaying 0 of 0 comments ( View all | Add Comment )