pinakamamahal, iniirog at aking sinta.

puso ko'y tinitibok ang iyong pangalan.
nasasaktan ako sa t'wing naaalala ko na ika'y hindi totoo.
naiiyak, sa mga sandaling nawawaglit sa isipan ko na kahit kailan...
ikaw ay isang kathang isip at ako'y nahumaling sa iyo.

turilo at hinagpis ang nararamdaman ko.
tanging ikaw, mi vida, ikaw lang ang nakagawa sa akin nito.
ako'y nahulog sa mga mata mo.
sa pagkatao't mga bigat na dinadala mo.

kung maaari sayo, sinta ay tutulungan kita sa kalungkutan mo.
sa mga sandaling naiisip mo na ang mundo'y guguho na,
andito ako sa gilid mo.
handa ang balikat para iyong ulo'y idantay.

alam ko na ako'y ginagamit mo lamang.
isang instrumentong iyong nilalaro nang may tiyak na kasanayan.
ako'y hawak mo sa leeg at ako'y nasa awa ng iyong lakas.
hawak mo ang aking buhay at ako pa ay nagpapasalamat.


para sa aking pinakamamahal, iniirog at sinta, Nulla.


(yes he's a vn character </3 but pls i love him so much)


2 Kudos

Comments

Displaying 0 of 0 comments ( View all | Add Comment )